"He Who Does Not Remember History Is Condemned To Repeat It"
-
Georges Santayana
"Power tends to Corrupt, and Absolute Power Corrupts Absolutely"
-
Lord Acton
"Liberty Is The Only Thing You Cannot Have Unless You Are Willing To Give It
To Others"
-
William Allen White
666man.Net -- Main Menu |
---|
CSS Template |
---|
Home Page | Contact Us | Site Map | FAQ's | Copyright Information |
265 Popes In History | Prophetic Rules Of Interpretation |
666 Number History | Daniel |
Powerpoint Downloads | Revelation |
Miscellaneous Items | Other Bible Topics |
Chinese | Español | Portuguese | Tagalog |
APOKALIPSIS 13:18
“Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis
na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at
animnapu’t anim.”
Sa kasaysayan ng mundo, ang mga
protestante
nauna ay itinituro na ang Patutot na nakasakay sa mabangis na hayop ay walang iba
kundi ang simbahang Katoliko at ang mabangis na hayop ay ang gobyerno niya na tinatawag
na ang “Kapapahan” o ang “Papacy.” Samakatuwid, ito
ay institusiyon na pinagsamang “Simbahan at Gobyerno.”
Ang
Tatlong Yugto
ng Mabangis na Hayop!
1. Hayop na “Nakaraan” 2. Hayop na “Hindi Ang Sa Ngayon”
3. Hayop na “Siyang Darating Pa”
Ang 1st o Unang Yugto (“Nakaraan”) ng Kapapahan ng Katoliko noong panahon
na tinatawag ng historiya na “Dark Ages” o “Mga Madilim na Panahon.”
Pahayag 17:6 At nakita ko ang babae na nalasing sa dugo ng mga banal at sa dugo
ng mga saksi ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay namangha ng labis na
pamamangha.
(“Dark Ages o Mga Madilim na Panahon”)
Pahayag 17:8 Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang sa nakaraan (“Dark
Ages” o “Mga Madilim na Panahon”)
Noong taong 1798, si Napoleon na France ay ipinadakip ang Papang Pius VI, at idineklarang
patay na gobyernong “Papacy” o “Kapapahan!” Ang Papang
Juan Paolo II ay humingi ng paumanhin para sa mga kamaliang ginawa nila noon mga
panahon nang “nakaraan.” Ang taong 1798 ay natapos ang 1st o unang
yugto ng Mabangis na Hayop.
Ang 2nd o Ikalawang Yugto (“Hindi Ang Sa Ngayon”)
7 mga hari
ng Hayop nagumpisa noong 1798.
Pahayag 17:8 Ang mabangis na hayop na…”hindi ang sa ngayon.” At
muling “Siya ay aahon” (mula sa nawala niyang kapangyarihan noong
1798)
Pahayag 17:9 “Dito ay kailangan ang isang kaisipan na may karunungan:
Ang pitong ulo ay kumakatawan sa pitong mga bundok na kinauupuan ng babae.”
At ito ay 7 mga hari. Nakikita ni Juan ang pangitain sa panahon ng “Ang
Isa ay Sa Ngayon” (Paul), ang pang-anim 6th na pangalan na ginamit para sa
Papa magmula noong 1798. Siya ang pangalan ng papa na nagumpisa ng Ekumenikal
Movement para maibalik ang mga protestante sa Roma.
Ang gobyerno ng Simbahan ay isang Monarkia na mayroon
265
na mga papa na gumamit naman ng
79
na mga pangalan.
Magmula noong taon 1798, ang gobyerno ng simbahang Katoliko ay gumamit ng 7 pangalan
para sa mga papa. Bakit ang pagbilang ng 7 ulo ng hayop ay nagsisimula ng
taon 1798?
Ang sumusunod ay ang 7 mga pangalan ng nagamit magmula noon 1798
1. Pius 2. Leo 3. Gregory 4. Benedict 5. John 6. Paul
7. John Paul
Pahayag 13:18 Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang
ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim
na raan at animnapu’t anim.
Ang bilang ni John Paul I + John Paul II = 3 bilang o 1+2 = 3
1. Pius 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10+11+12= 78
2. Leo 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10+11+12+13= 91
3. Gregory 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10+11+12+13+14+15+16=136
4. Benedict 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10+11+12+13+14= 105
5. John 1+2+3+4+5+6+7+8+9+10+11+12+13+14+15+16+17+18+19+20+21= 231
6. Paul 1+2+3+4+5+6= 21
7. John Paul 1+2=3
Suma ng bilang ng 7 pangalan ng mga Monarkiang Papa magmula noon taong 1798 ang
sumusunod:
78 + 91 + 136 + 105 + 231 +21 + 3 = 665 John Paul II
Ang 3rd o Ikatlong Yugto (“Siyang Darating Pa”)
Ang 8th o ika-walong bagong pangalan ng Papa magmula noong 1798 ay bilang na 1 upang
maidagdag + 665 = 666
Pahayag 17:12-14
“Ang sampung sungay na iyong nakita ay ang sampung mga hari. Hindi pa nila
natanggap ang kaharian. Subalit sila ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa mabangis
na hayop upang maghari ng isang oras.”
“Ang mga haring ito ay may iisang kaisipan. Ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan
at kapamahalaan sa mabangis na hayop.”
“Ang mga haring ito ay makikipagdigma laban sa Kordero. At lulupigin sila
ng Kordero sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Ang
mga tinawag niya at hinirang at ang mga tapat ay yaong makakasama niya.”
Ang Istorya ng Kasaysayan Ay Ang Sumusunod
Ang MABANGIS NA HAYOP na “NAKARAAN”
538 A.D. – 1798 A.D.
Noon taon 538 A.D., si Justinian ay nagdeklara na ang papa sa Roma ay siyang may
hawak ng awtoridad sa pag-i-interpreta ng mga Salita na Diyos. Ipinabatas
ni Justinian na ang papa ang may hawak ng huling awtoridad sa mga hari ng Europa.
Makalipas ang 1,260 taon, si Berthier, isang Heneral sa France sa pamamagitan ng
utos in Napoleon Bonaparte ay nagmartsa sa Roma upand dakipin si papa Pius VI.
Idineklara ni Napoleon na patay na ang kapangyarihan ng mga papa at wala ng mangyayari
pang eleksyon ng mga papa. Ang mundo ay nagakalang patay na nga ang makapangyarihang
Kapapahan. Kinakailangang pansinin na ang Kapapahan ay makapangyarihan na
bago pa man ang taong 538 A.D., ngunit sa taong 538, ang papa, sa pamamagitan ng
batas ay ideneklarang may tanging karapatan na magpaliwanag ng Salita ng Dios.
Pansinin rin na magmula 538 A.D. hanggang 1798 A.D. ay eksaktong
1,260
taon ayon sa hula.
Ang MABANGIS NA HAYOP na “HINDI ANG SA NGAYON”
Mula 1798,
ang mga papa ay walang taglay na kapangyarihan sa mga hari ng mundo. Sila ngayon
ay hindi itinuturing huling awtoridad sa pagpapaliwanag ng Salita ng Dios sa mga
relihiyon, maski man ang mga papa ay hindi ngayon nangunguna sa mga hari ng mundo.
Ngunit sinasabi ng Biblia sa Pahayag 17 na ang mga papa ay umaahon muli sa kapangyarihan.
Ang aklat ng Pahayag ay nagsabi na mayroon 7 mga hari ng Kapapahan magmula noon
1798. Pahayag 17:10.
1. Pius 2. Leo 3. Gregory 4. Benedict 5. John “Ang Isa Ay Sa Ngayon”
6th Paul at ang Isa ay Hindi Pa Dumating; (7th na pangalan John Paul na hindi pa
nagamit na pangalan para sa papa kailan man) At kapag siya ay dumating, siya ay
kailangang mananatili sa sandaling panahon. Ang 7th o ikapitong Monarkiyang
pangalan ay naghaharing kasalukuyan humigit lamang ng kaunting sobra sa 22 taon.
Pinaka-maigsi kumpara sa mga naunang 6 na mga pangalan na mga papa.
Puntahan dito upang makita ang komparison ng kani-kanilang haba ng panahon ng paglilingkod
bilang opisyal na papa – puntahan ang ibaba ng pahina sa ibaba ng footnote.
Ang MABANGIS NA HAYOP na “SIYANG DARATING PA” Itong 8th o ikawalong
pangalang gagamitin para sa huling papa ay siya ring panahon ng muling pagbangon
ng nawalang kapangyarihan sa mga hari ng mundo na natamo ng kapapahan bago sumapit
ang taon 1798. Ang 8th o ikawalong pangalan na kapapahan mula 1798 ay makikiapid
sa mga 10 hari at makikipagdigmaan sa Kordero ng Dios. Ang papang ito ay ang
huli na at mapupunta sa kapahamakan at magwawakas sa pamamagitan ng ikalawang pagdating
ng Panginoon Jesus. Ang mga hinirang at tapat ay mapag-wawagian ang mabangis
na hayop.
Ang hayop na bumangon mula sa lupa
na may taglay na dalawang sungay ng kordero ay magsasalitang parang dragon sa pamamagitan
ng pagsasabi sa mga tao sa mundo na sambahin
ang mabangis na hayop na umahon sa maraming tubig.
Walang maaaring bumili o magbili at di maglalaon ay maghahatol ng kamatayan sa mga hindi
sasamba sa hayop na umahon sa maraming tubig. Ito’y inihula ng Biblia na
mangyayari sa panahon ng 8th o ikawalong BAGONG pangalan ng huling papa magmula noong
1798. Malaki at malubhang pagbabagong mga kaganapan ang makikita sa mundo sa pagdating
ng panahon ng 8th o ika-walong pangalan ng papa magmula noong taong 1798. John Paul ay
ang 7th o ika-pitong pangalan na magmula 1798.
Puntahan dito upang makita ang opisyal ng listahan ng lahat ng
265 na mga Papa.
Lahat ng mga naging papa magmula noon 1798 ay naka highlight ng iba’t-ibang
mga kulay.
ANG MGA HAYOP SA DANIEL AT APOKALIPSIS.
Ang mga tamang paraan ng pagpapaliwanag ng mga hula patungkol sa mga hayop sa Daniel
at Apokalipsis
– Ang mga tamang pamamaraan na ito ay makakatulong sa atin ng tamang pagpapaliwanag
ng mga hula patungkol sa mga hayop sa Apokalipsis 12, 13 at 17.
Daniel 7 – Isang ilustrasyon ng lahat ng mga hayop na may kasamang mga paliwanag
1.
Leon
- Babilonia
2.
Oso
- Persia
3.
Leopardo
- Grecia
4.
Nakakatakot na Hayop
– may mga bakal na ngipin ang 10 sungay – Paganong Roma ang 10 sungay
5.
Kapangyarihang Maliit na Sungay
– huhugutin ang 3 sungay sa 10 paganong dibisyon ng Paganong Roma –
Ostrogot, Heruli at Vandals ay ang 3 sungay na nahugot sa taong 538 A.D. sa pamamagitan
ni Justinian an napagutusan ng Papa. Nasugpo ang 3 sungay na ayaw magpasa-ilalim
sa kapangyarihan na papa sa Roma.
Mula 538 A.D.,
pito lang na sungay ang nagpatuloy. Ang kapangyarihan na maliit na sungay
ay magpapatuloy hanggang sa pagbaba ng kahatulan at ibibigay sa kapahamakan sa pamamagitan
ng apoy na siyang tutupok sa kaniya.
Makalipas ang taong 538 A.D., ang kapangyarihang maliit na sungay ay nagpatuloy
at mas naging makapangyarihan sa 7 sungay na nagpatuloy rin. Ang kapangyarihan
na maliit na sungay ay nagtagal ng 1,260 na taon (538 A.D. – 1798 A.D.) at
siya rin ay hahatulan at magwawakas sa pagdating muli ng Panginoon Jesus, ngunit
ang huling hatol sa kanya ay ang ikalawang kamatayan pagkalipas ng 1,000 taon.
Apokalipsis 13 - Isang ilustrasyon ng lahat ng mga hayop na may kasamang mga paliwanag
Apokalipsis 17 – Isang ilustrasyon at mga paliwanag tungkol sa Mapulang Hayop
na may sakay na Babae
Ang nagsasalitang maliit ng sungay sa ika-apt na hayop ng Daniel 7 ay pareho at
iisang hayop as Apokalipsis 13?
Tingnan dito ang sagot!
6.
Pahayag 12 Ang dragon (Satanas) ay sinubukang patayin ang batang
(Jesus) na inagaw nang alapaap patunto sa trono ng Diyos. Ang dragon (Satanas)
ay ginamit ang Paganong Roma sa paghahari ni Herod upang patayin si Jesus mula pa
man sa pagkasanggol, ngunit ang Panginoon ay muling nabuhay at nagtungo sa trono
ng Diyos. Ang dragon ay may 10 sungay katulad rin ng hayop sa Pahayag 13:1
at parehong 10 sungay sa mabangis na pulang hayop sa Pahayag 17 na may tatlong yugto
ng buhay, “NAKARAAN,” “HINDI ANG SA NGAYON” at “DARATING
PA.” Ito ang sampung mga sungay o mga hari sa Pahayag 17:12 na makikiapid
sa 8th o ikawalong pangalan ng papa mula 1798 sa panahon ng ikatlong yugto ng mapulang
hayop na tinatawag na “DARATING PA.”
7.
Pahayag 13 Pagkatapos gamitin ng dragon (Satanas) ang Paganong Roma
sa paguusig sa bayan ng Diyos ay inilipat niya ang kanyang lakas at luklukan sa
hayop na umahon sa maraming tubig nuong taong 538 A.D. Sinasabi ng ating kasaysayan
na si Konstantino, pinuno ng Roma, ay nakonbertido sa Kristiyanismo mula sa pagiging
pagano. Kaniyang inilipat ang gobyerno ng Roma sa Konstantinople at ibinigay
sa papa ang pambansang siyudad ng Roma. Isinasaad ng kasaysayan na 3 tribo
sa 10 ay tumangging magpasailalim sa kapangyarihan ng papa. Noong taong 538
A.D., sa pag-uutos ng papa, pinuksa ni Justinian ang 3 tribong ito 1. Ostrogots,
2. Vandals, at 3. Heruli. Nang taong 538 A.D., idineklara ni Justinian na
ang papa ang hari ng buong Europa at siya lamang may karapatang magpaliwanag ng
Bibliya. Dito sa taon na ito nagsimula ang 1,260 taong paghahari ng papa sa
Europa. Sa mga panahong din ito itinuro ng mga nagprotesta sa simbahang Katoliko
na ang mabangis na hayop na umahon sa maraming tubig ay ang Kapapahan. Maraming
dakilang tao katulad nila Martin Luther, Calvin, Wesley at marami pang iba ay ito
ang itinuturo.
8.
Ang hayop na umahon sa lupa na may taglay na 2 sungay nang kordero (Pahayag
13) – Ang hayop na ito ay nagumpisang maamong parang tupa, ngunit ito’y
magsasalitang katulad ng dragon at sasabihin sa lahat na sila ay dapat gumawa ng
larawan ng hayop (maging katulad ng simbahang Katoliko) at maguutos na sambahin
ang papa na kumakatawan sa hayop na umahon sa maraming tubig. Ang hayop na
umahon sa lupa ay magiging larawan ng hayop na umahon sa maraming tubig. Ang
Kapapahan ay dinidiktahan ang mga gobyerno nuong sila ay nasa kapangyarihan (538
A.D. – 1798 A.D.). Samakatuwid ang larawan ay ganoon rin. Pinagsamang
Simbahan at Gobyerno.
Ang mga taong inuusig sa Europa ng simbahang Katoliko noong panahon noon ay nagsilikas
patungo sa America upang makatakas sa paguusig ng simbahang Katoliko. Ang
aklat ng Apokalipsis ay naghahayag na ang hayop na umusbong magmula sa lupa na may
mga sungay na parang batang tupa ay magpipilit na ipasamba sa mga tao ang hayop
na nagmula sa karagatan o ang Kapapahan. Ang tupa ay sumisimbolo sa Panginoong
Jesus. Ang hayop na parang tupa ay nakitang umusbong sa kapangyarihan noong
panahon ng pagbagsak ng Kapapahan o ng hayop mula sa karagatan sa Apokalipsis 13.
Si Berthier, isang heneral ng bansang France ay dinakip si Papa Pius VI noong taong
1798. Sa panahong ito, ang bansa namang Estados Unidos ay umaahon sa kapangyarihan.
Ang Estados Unidos ay ang hayop na umusbong sa lupa na may sungay nang tupa ayon
sa Apokalipsis 13.
Ang Estados Unidos ay isang Kristiyanong bansa. Ang hula patungkol sa kanya
ay matutupad kapag siya ay maging kagaya o kamukha ng kapangyarihan ng Kapapahan.
Isang paghahalong Iglesiya at Gobyernong kapangyarihan. Ang Estados Unidos
ay magsasabatas na sambahin ang Kapapahan at ang sinumang sumuway ay tatanggalan
ng mga pribilehiyo upang makabili o makapagbili bilang paunang pataw na kaparusahan,
ngunit ang huling kaparusahan sa mga lalabag sa kaniyang mga ipaguutos na laban
sa utos naman ng Diyos ay kamatayan ang kaniyang parusa. (Apok. 13:15,16).
Sa Apokalipsis 13 pa rin ay nagsasabing ang hayop ay “isang tao” at
ang kaniyang bilang ay 666. Ang bilang na ito ay ang sumang bilang na isang
tao at hindi bilang nang kaniyang pangalan. Ang bilang na ito na 666 ay nagrerepresenta
sa huling papa na tatayo at dadatnan naman ng ikalawang pagdating ng ating Panginoon
at siya ay mawawasak at magtatapos ayon sa Apokalipsis 17.
Ayon sa Apokalipsis 17, kapag binilang ang mga bilang ng mga papa na gumamit sa
7 mga pangalang ito:
1. Pius 2. Leo 3. Benedict 4. Gregory 5. John 6. Paul 7. John Paul. Ang bilang
ngayon ay nabubuo na sa 665 mula taong 1798. Isa na lamang na bagong pangalan
ng Kapapahan ang kulang sa bilang upang mabuo ang 666 – Ito ay mabubuo at
matatapos kapag namatay na at bumagsak ang pangalang John Paul at mapalitan ng bagong
pangalan na hindi pa nagagamit sa historiya ng Kapapahan upang ang kanyang maging
bilang is 1. Ang buong mundo ay magkakaisa sa mga panahon ng huling papa na
kasunod na ni John Paul.
APOKALIPSIS 18 – ANG HULING BABALA SA SANLIBUTAN!!!
Ang Babilonia (Mga nagpapanggap na Kristiyano ngunit nag apostasiya) sa Apokalipsis
17 ang bumagsak na at kontrolado nang demonyo.
Apokalipsis 18:4 ay nagsasabi na may mga anak ang Panginoong Jesus sa loob ng Babilonia
ng Apokalipsis 17. Ang sabi ay “Magsilabas kayo sa kanya bayan Ko”
“Upang hindi kayo makiapid sa kanyang mga kasalanan at upang hindi mo matanggap
ang kanyang mga salot.” (Huling 7 salot). Ito ay hula patungkol sa panahon
na darating na ang lahat ng mga bansa ay makikiapid sa Kapapahan at sa bansang Estados
Unidos sa pagpapabatas na sambahin ang huling papa. Sa mga panahong ito, ang
Diyos ay magpapadala ng isang makapangyarihang mensahe sa buong mundo na nagbibigay
ng babala upang makatakas sa poot ng kanyang galit sa Babilonia sa pamamagitan ng
pagbuhos ng huling pitong salot.
Apokalipsis 17:5 “5Sa kaniyang noo ay may nakasulat na isang pangalan: HIWAGA
ANG DAKILANG BABILONYA. ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL SA LUPA.”
Ang inang Babilonia ay ang simbahang Katoliko at ang kanyang mga anak na patutot
ay ang mga simbahang Protestante na nakikiapid ngayon sa mundo at sa simbahang Katoliko.
Ang utos ng Diyos lalo na ang ikaapat na ipangilin ang ika-pitong araw ay ang Sabbath
ng Panginoon na sa ngayon ay pinangalanang “Sabado” ay patuloy na nilalabag
nang maraming simbahan at sumusunod sa utos ng simbahang Katoliko na pagsamba sa
unang araw na Linggo.
Ang huling mensahe sa Apokalipsis 18 ay ang pagtawag sa lahat ng tao na lumabas
sa mga simbahang nagtuturo ng paglabag sa utos ng Diyos partikular ang paglabag
sa ika-apat na utos. Ang pagsamba sa araw ng Sabado ay pinalitan ng tao upang
sumamba sa araw ng Linggo. Ang lahat na hindi tutugon sa huling panawagan
bago magtapos ang mundo ay tatanggap ng huling pitong salot. Ang huling mensaheng
ito ay sisigaw kapag ang mga simbahan sa Estados Unidos ay magsimulang lumaganap
ang mga himala upang ipakitang ebidensiya sa mundo na sila ay tama at mali ang mga
nangingilin ng araw ng Sabado. Sa pamamagitan ng mga himala ay magigitla ang
mundo at susunod sa utos ng mga simbahang tumalikod sa Diyos. Ang Espiritu
ng Diyos ay kailan man hindi namilit nang pagsamba sa tunay na Diyos.
Ang labanang ito ay magsisimula sa paghahari ng huling papa na kasunod ni John Paul.
Si John Paul II ay ang ika-pitong pangalang nagamit mula 1798. Mabilis na
umaandar ang panahon. Malapit ng dumating ang ika-walo at bagong pangalang
gagamitin ng Kapapahan upang mabuo ang bilang ng 666. Ang bayan ng Diyos ay
tatangap ng lakas at kapangyarihan mula sa Diyos upang maihayag sa buong mundo ang
babalang mensahe tungkol sa huling papa at sa kanyang kahariang Babilonia!
Ang Estados Unidos ay ang maamong tupa sa Apokalipsis 13, ngunit ito’y walang
suot na korona hindi katulad ng hayop na umahon sa dagat (Kapapahan) na may suot
ng sampung korona.
Lahat nang hayop sa Apokalipsis ay may suot na korona maliban lamang sa maamong
tupa na sumisimbolo sa Estados Unidos. Ang kahulugan ay ito’y isang
bansa na walang Papa o hari. Ito ay isang bansang “republikong”
gubyerno. Ang bansang ito ay nasa hula na aahon sa kapangyarihan sa mga panahon
naman ng pagtanggap nang ikamamatay na sugat na unang hayop o ng Kapapahan noong
taong 1798. Ang bansang ito ay may anyong parang tupa na sumisimbolo na siya
ay magiging isang bansang Kristiyano. Dahil ang mga karamihan na nagpapanggap
na Kristiyano ngayon ay sumasamba sa araw ng Linggo. Ang Estados Unidos ay
hindi magsasabatas na sumamba sa araw ng pangilin ng mga Hudyo o mga Muslim kundi
ang araw na ipinabanal ng mga Kristiyano ngayon – ang araw ng Linggo na labag
sa utos ng Bibliya. Ang sinomang hindi sumunod sa gagawing batas na ito ay
may pataw na mabigat na kaparusahan.
Apokalipsis 16 – Ang Panginoong Jesus ay darating sa panahon ng naibuhos na
ang ika-pitong salot na siya ring panahon na digmaan na tinatawag na Armagedon.
Apokalipsis 11:19 – Habang paparating ang Panginoon sa lupa ay bubukas ang
kalangitan at makikita ng mga tao ang Kaban ng Tipan sa alapaap upang maging patotoo
sa lahat na ang Sampung Utos na isinulat ng mismong daliri ng Diyos ay hindi nagbago.
Ngayon ay makikita ng lahat na mga tao na nakikipaglaban sila sa Diyos sa pamamagitan
ng pagsasabatas ng pagsamba sa maling araw. Makikita nang lahat ang ika-pitong
araw pa rin ang utos ng Diyos na ipinabanal at ang mga tao ay sumusunod sa utos
ng papa na ipangilin ang araw ng Linggo.
Alalahanin ang araw ng Sabado upang ipangilin ito. Anim na araw kang gagawa
ng iyong mga gawain, ngunit ang ika-pitong araw ay Sabado ng Panginoon. Sa
araw na ito ay huwag kang gagawa ng iyong mga gawain dahil ito ay ipinagpala at
ipinabanal ng Diyos (Genesis 2:3). Ang araw ng Sabado ay ang araw ng tanda
ng Diyos sa kanyang bayan na itatak sa kanilang mga noo ayon sa Apokalipsis 14.
Ang kabaligtaran nito ay ang marka o tanda ng hayop o ng Papa na itatatak sa noo
at kanang kamay ng mga sumusunod sa mga utos ng simbahang Katoliko (Apokalipsis
13) na labag sa utos ng Diyos na nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Ang pagpilit na pagsamba ay laging nauuwi sa pagkabigo at pagkawasak. Ang
Diyos ay hindi namimilit na kahit sino man na siya ay sambahin. Ang tinatanggap
lamang niya ay ang kusa at bukod na pagsamba na bunga ng pagmamahal. Ang Diyos
ay pag-ibig. Ang namimilit ay espiritu ng demonyo. Kapag may dumarating
na mga kalamidad, ang mga tao ay tumatawag sa Diyos na ihinto ang kaniyang galit
at sila ay nag-aalay sa Diyos ng mga handog upang mapawi ang Kanyang poot.
Ito ay mga gawain noong unang panahon at magpa-hanggang ngayon. Kapag ang
mga kalamidad ay sunod-sunod ng dumating at naapektohan na ang ating mga kabuhayan,
ang mga taong nagpapanggap na Kristiyano ay magsasamo sa gubyerno na ipabatas ang
pangingilin ng araw ng Linggo upang mapawi ang poot ng Diyos. Dahilan sa kanilang
pagiisip na may maliit na pulutong na ayaw makiisa sa kanila sa pagsamba ng araw
ng Linggo at ito ay kanilang iisiping dahilan ng kagalitan ng Diyos.